Masculadoll
Pagkatapos mabasa ito sa postcard na ibinigay sa akin at sinabing gawan ko ito ng isang book review, napaisip ako, “anong libro ito?”. Isa na naman ba ito sa mala-Nicolas
Bakla. Bading. Jokla. Gay. Mga salitang ating naririnig sa mga lansangan kapag may napapadaang kalalakihan na may kembot ang paglakad. Salitang hindi nating napapansing ating nabibigkas. Salitang lubos na kumakatawan sa kanila. Ang mundo ng kabaklaan. Mundong maaaring hindi natin naiintindihan. Mundong ginagalawan ng mga indibidwal na tanging sila lang ang nakakaalam.
Kilala natin ang mga kapatid natin bading sa pagpapatawa. Sila na yata ang pinakamasayahing tao sa mundo. Ika nga nila, happy and gay.
Sa librong Masculadoll, ipinakita ng may-akda ang realidad sa buhay ng mga bading. Ginawa niyang instrumento ang mga karanasan niya upang ipamulat sa madla ang saloobin ng ating mga kapatid na nasa third sex. Habang binabasa ang libro, napagisipan ko na ang mga bading ay matatag. Sa dami ba naman ng mga problema, batikos, insulto at pang-aasar sa kanila, nananatili pa rin silang matibay.
Sa buhay pamilya na lamang, kapag nalaman ng haligi ng tahanan na bakla nang kanyang anak, lalo na kung nag-iisa itong lalaki sa pamilya na siyang inaasahang magpatuloy ng kanilang lahi, siguradong itatakwil siya. Kapag nalaman ng buong barangay, labis na insulto ang matatanggap ng kanilang pamilya na labis naman na ikakagalit ng ama. Kung hindi man siya palayasin, ay bubugbugin siya. OA na kung OA pero ganyan ang realidad ng buhay bading. Pero sa ibinahaging istorya ni Louie Cano sa kanyang libro, itinuring man siyang malas ng kanyang ama
Isa pang patunay sa pagiging matatag ng mga bakla ay pagdating sa kanilang buhay pag-ibig. Marami na tayong naririnig na kwento ng panloloko sa kanila. Iniwan ng jowa matapos makuha ang gusto nito, cellphone, MP3, load, pera at kung anu-ano pa. Marami na rin ang mga balitang naglabasan sa telebisyon at radio tungkol sa mga baklang nabugbog ng kanilang kasintahan.Mga balita at isyung lubos na naglalarawan sa saklap ng kanilang buhay. Sa mga naikwento ni Louie Cano tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, hindi talaga madali ang magmamahal. Oo, alam na natin ito, hindi talaga madali ang umibig pero mas mahirap ito sa mga bakla. Iba ang sitwasyon nila, hindi ito basta-bastang nagsasabihang mahal kita at ikaw lang, marami silang kalaban sa relasyon, ang madla, mga mapanuring mata at kung minsan ay pati ang kanilang pamilya.
Sino nga ba sila? Iba man ang kanilang mundong ginagalawan, magkaparehas pa rin tayo. Parehas na may karapatan. Umibig. Mabuhay. Kung bibigyan lang ng pagkakataon ang mga bakla sa ating mapanuring komunidad, at kung bubuksan lang ng madla ang kanilang mga mata sa tunay na kalooban nila, siguro naman mababawasan na ang bigat ng mundo. Magtulungan na lang
Via Camille C. Bernabe
P.U.P
06/27/09